Ochoa babantayan ni Revilla

TINIYAK ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na kanyang babantayan ang bawat galaw ni Executive Secretary Paquito Ochoa bilang bagong talagang anti-organized crime czar sa harap nang sunud-sunod na krimen sa Metro Manila.

Ayon kay Revilla, malinaw na may mabilis na pangangailangan na tugunan ng pamahalaan ang lumalalang insidente ng krimen sa bansa, partikular sa Kamaynilaan, na siyang dapat tutukan ng isang opisyal tulad ni Ochoa.

“There is a clear and urgent need to address the growing incidence of crimes, especially in the Metro,” ayon kay Revilla. “This is probably why the President saw the need to designate one of his most trusted men to oversee the matter.”

Ngunit, sinabi ni Revilla na mahigpit na babantayan ng Senado ang bawat galaw ni Ochoa dahil hindi maaring papogi lamang ang kanyang bagong posisyon, bagkus dapat itong kumilos gamit ang lahat ng kapangyarihan ng gobyerno sa batas.

“I would give the benefit of the doubt to the President and the Executive Secretary, while keeping a watchful eye on the progress they will be making in this regard,” patapos ni Revilla. 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply