OFW kulong sa pagpatay sa kapatid ng amo

HUMIHINGI ng tulong ang isang overseas Filipino workers (OFW) na nakakulong ngayon sa bansang Lebanon na nasasangkot sa pagpatay sa kapatid ng kanyang amo.

Ang suspek na si Robina Combenido Samoranos, tubong Capooncan, Leyte ay nahaharap sa kasong murder dahil sa pagpatay sa kapatid ng kanyang amo na si Rosemarie Saad.

Batay sa ulat, ang pamamaslang sa biktima ay naganap noong nakaraang buwan ng Pebrero  nang patayin nito ang biktima dahil maka-ilang beses umano siyang binagbantaan na papatayin ito at kukunin ang kaniyang baga para ilipat sa kapatid na si Saad na may taglay na sakit na lung cancer.

Dahil sa tindi ng takot, pinatay nito ang kapatid ng amo at idinamay pati ang pamangkin.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival bunga ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Agad namang dinakip si Samoranos at ikinulong.

Dahil sa dito nananawagan ang pamilya ng biktima sa gobyerno na tulungan ito dahil wala umanong ayudang ibinibigay ang embahada ng Pilipinas sa bansang Lebanon.

Natukalasan nakarating si Samoranos at iligal na nakapagtrabaho sa bansang Lebanon dahil wala itong sapat dokomento. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply