OFW patay sa Bahay Kalinga sa Saudi Arabia

KINUMPIRMA ng mga opisyal ng Department of Labor and Employment (Dole) na natagpuang patay na ang isang 44-anyos na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng isang restroom ng Bahay Kalinga sa Saudi Arabia.

“May sakit kasi siya at posibleng namatay siya sa atake sa puso,” paliwanag ni John Monterona, Migrante Middle East regional coordinator.

Ayon kay Monterona, hindi muna binanggit ang pangalan ng babaing OFW hangga’t hindi pa naipaaalam ang nangyari sa kanyang mga pamilya.

Ang Bahay Kalinga ay tinutuluyan ng mga babaing OFW na nagkakaprublema o dumaranas ng iba’t ibang problema sa trabaho at kani-kanilang amo. Ito ay pinangangasiwaan ng Philippine embassy.

Ayon kay Monterona, nagkaroon umano siya ng pagkakataon na makausap ang pamunuan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh kaugnay sa pagkamatay ng OFW.

Hiniling ng opisyal ng embahanda na magkaroon pa rin ng malawakang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Sinabi pa ni Monterona na nakatatanggap siya ng mga reklamo mula sa mga OFW sa natuang tirahan na hindi sila binibigyan ng tamang medisina sa Bahay Kalinga kahit sila umano ay may karamdaman.

“No medicines were given (to them) despite their plea to embassy and POLO-OWWA officials,” pahayag ni Monterona.

Ang pagkamatay ng OFW ay isa umanong patunay na ang mga opisyal ng OWWA sa Riyadh ay nagpapabaya sa mga kababayang Pilipina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply