OIC sa ARMM pwedeng hindi Muslim — Comelec

NILINAW ng Commission on Election (Comelec) na maaaring magtalaga si Pangulong Benigno Simeon Aquino III ng isang opisyal na hindi Muslim upang maging officer-in-charge (OIC) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ipinaliwanag ni Comelec chairman Sixto Brillantes Jr. na wala namang religious requirement sa itatalagang ARMM governor, kaya’t hindi kinakailangan na ito’y maging Muslim.

“There’s no religious requirement for being appointed ARMM governor. The ARMM Organic Act does not require that the one who appointed should be a Muslim, even though it’s supposed to be an autonomous region for Muslim Mindanao,” ayon kay Brillantes.

Matatandaang inaprubahan ng Kongreso ang panukalang pagpapaliban sa ARMM elections.

Dahil dito, kinakailangang magtalaga ni PNoy ng mga OIC na magpapatakbo sa ARMM sa sandaling magtapos ang termino ng mga opisyal nito sa Setyembre 30.

Ang ARMM polls ay orihinal na nakatakda sa Agosto 8, ngunit ngayon ay isasabay na sa May 2013 midterm polls.

Maliban sa governor, kinakailangan ding magtalaga ng pangulo ng temporary vice governor at mga miyembro ng ARMM legislative assembly.

Alinsunod sa ARMM postponement law, ang OICs na itatalaga ni PNoy ay hindi papayagang makatakbo sa 2013 ARMM elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply