Presyo ng oil products nagtaasan na naman

NAGPATUPAD ng panibagong pagtataas sa presyo ng langis ang ilang oil company Martes ng umaga.

Bandang alas-sais ng umaga, nagdagdag ng presyo ang Petron, Chevron at Phoenix Petroleum. Siyamnapung sentimos ang dagdag ng halaga kada litro ng diesel at kerosene habang 30 sentimos naman sa gasolina.

Nakatakda ring magtaas ng 85 sentimos ang Eastern Petroleum sa presyo ng krudo at kerosene, habang 45 sentimos naman sa gasolina.

Nauna nang nagtaas ng kanilang presyo ang Shell bandang 12:01 Martes ng madaling araw.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply