Oil price hike, kinunsinti ng DOE

MULING kinunsinti ng Department of Energy (DOE) ang panibagong pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ng ilang kompanya ng langis.

Ikinatuwiran naman ni DOE spokesman Undersecretary Jay Layug na ang isyu ng “supply and demand” ang dahilan sa muling pagmamahal ng produktong petrolyo at hindi ang dating ikinakatuwiran na pagmamahal ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Ipinagtanggol pa ni Layug na ang mga oil-dependent countries ay umaasa na rin sa pag-angkat sa ilang oil-producing countries katulad ng mga bansa sa Europa at Amerika.

Epektibo kahapon ay nagdagdag ang Pilipinas Shell ng 50 sentimos kada litro sa gasolina, 60 sentimos sa diesel at 40 sentimos naman sa kerosene.

Nagtaas naman ang Chevron (Caltex) Philippines ng 60 sentimos kada litro ng gasolina, 50 sentimos sa diesel habang ang kerosene ay nagmahal rin ng 40 sentimos.

Samantala, umalma ang grupo ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) sa panibagong pasanin na babalikatin ang mga tsuper.

Ayon kay Piston secretary-general George San Mateo, hindi pa man naka-aahon ang bansa sa patuloy na pagtaas ng pangunahing bilihin, isa na namang pabigat ang kanilang mararanasan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply