Oil price hike posibleng ipatupad na naman

NAGBABADYA na namang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo kung pagbabatayan ang galaw ng presyuhan nito ngayong linggo.

Nakatuon ngayon sa pinagbabasehang  paggalaw ng presyo ng langis sa world market  at simula nitong nakaraang  Lunes hanggang Huwebes ay 28 sentimos kada litro ang nadagdag sa gasolina habang 36 sentimos naman sa diesel.

Bunga nito, handa naman ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na ituloy ang kanilang planong kilos protesta dahil sa nagiging lingguhan na ang pagtaas ng produktong petrolyo

Ayon kay George San Mateo, PISTON secretary general, bago naupo bilang presidente ng Pilipinas si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ay nasa P32  lamang ang bawat litro ng diesel  pero ngayon ay lagpas na ito sa P40. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply