Oks ang paglulunsad ng renewable energy ni PNoy

MALAKI ang magiging pakinabang ng ating bansa sa paglulunsad ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino sa National Renewable Energy Program o NREP.

Ipinaliwanag ni Executive Sec. Paquito Ochoa, nilalayon ng NREP na lutasin ang mabigat na problema ng mamamayan sa walang tigil na pagtataas ng singil at kakulangan sa kuryente lalo na sa kanayunan at mga liblib na lugar sa bansa.

Sinabi ni Ochoa na ang nasabing programa ay pagsasagawa ng gobyerno ng mga hakbangin at pagsulong ng mga polisiya para sa pagkakaroon ng renewable energy.

Idinagdag pa ng kalihim na sa pamamagitan ng renewable energy, maibibigay sa taumbayan ang kinakailangang enerhiya na hindi mapipinsala ang kapaligiran.

Ang NREP ay solusyon para sa pagkakaroon ng pangmatagalang pagkukunan ng enerhiya at isang paraan din para hindi matali ang Pilipinas sa mapanikil na pandaigdigang merkado ng langis.

Sa pamamagitan ng NREP ng gobyerno ni PNoy, inaasahan na mula sa kapasidad ng renewable energy na 5,400 megawatts noong 2010 ay magiging 15,300 megawatts ito sa 2030.

Tututukan ng Department of Energy, Energy Regulation Commission, National Renewable Energy Board at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang programa nang sa gayon ay mabalanse ang pagkakaloob sa bansa at mamamayan ng murang halaga ng enerhiya na hindi nasasalaula ang kapaligiran.

LOTENG NINA CRIS AT ROSE, PADER

Patuloy pa rin ang ope-rasyon ng bookies ng loteng ng magpakner na Cris at Rose sa Pasig, San Juan  at Mandaluyong. Wala kasing ipinagmamalaki ang magpakner na Cris at Rose  kundi malakas sila kay EPD Director C/Supt. Francisco Manalo. Totoo ba ito?

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply