Operasyon ng LRT ngayong gabi extended

DAHIL sa malawakang pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila, extended Huwebes ng gabi  ang operasyon ng Light Railway Transit (LRT) Line 1 at 2 para sa mga naistranded na komyuter, ayon kay Atty. Hernando Cabrera, spokesperson ng Light Railway Transit Authority (LRTA).

Ang huling biyahe ng Baclaran at Santolan station ay mamayang 10:30 ng gabi habang ang huling tren na mula sa Roosevelt at Recto station at bibyahe ng 11:00 ng gabi.

Ilang parte ng Metro Manila ay lubog sa baha. Kabilang dito ang ilang bahagi ng Quezon City tulad ng Maria Clara St., Araneta Avenue at N.S. Amoranto St. dahil sa overflowing ng Talayan Creek.

Baha rin sa Honorio Lopez Blvd., mula Tondo Hospital hanggang S. De Jesus St., dahil sa high tide at walang humpay na ulan. Binaha rin ang Espana Blvd. at Maceda sa Maynila at Imelda Avenue sa Pasig.

Pinaiiwas ng MMDA ang mga motorista sa Northbound Lane ng Edsa dahil sa gutter-deep flooding sa may P. Tuazon tunnel na siyang sanhi ng trapik doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply