Opisyal ng CPP-NPA arestado

ISANG mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Army sa Bacolod sa ulat ng militar nitong Huwebes.

Kinilala ang nasakote na  si Marilyn Badayos Condes, secretary ng Southeast front ng Komiteng Rehiyon Sentral Visayas.

Ayon kay Army Chief Ltgen Arturo Ortiz, alas 9:00 ng Huwebes ng umaga nang masukol ng kanyang mga tauhan ang top NPA leader sa bisinidad Narra St., Bacolod city.

Si Condes ay inaresto sa bisa ng pinalabas na warrant of arrest ni Hon. Judge Ananson Jayme ng Branch 63, sa kasong rebelyon.

Ayon kay Ortiz, nagbunga ang ilang araw na surveillance at planning sa kanilang hanay makaraang magpositibo ang impoprmasyong ibinigay ng ilang sibilyan.

Sangkot ang nadakip sa pananambang na ikinasugat ng isang sundalo at ikinasawi ni  Capt. Wilson Montenegro noong Mayo 3.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply