Opisyal ng Customs inilipat matapos tumanggi sa suhol

HINIHINALANG may kinalaman ang maiimpluwensyang “coral poachers” sa biglaang pagpapalipat sa isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs sa Port of Cebu isang linggo lamang matapos nitong tanggihan ang halagang P2 milyon kapalit ng pagpapalabas ng kargamento na naglalaman ng mga black corals na may halagang P15 milyon na nakumpiska ng ahensya.

Nakilala ang opisyal na si Captain Jerry Arrizabal, commander ng Port of Cebu Customs Police Division, na tumanggi sa lagay na P2 milyon na ipinadaan sa isang Muslim na nagtatrabaho rin sa nabanggit na ahensya .

Nakarating sa kaalaman ni Sentor Jose Miguel Zubiri ang pangyayari kung kaya’t ipatatawag niya ang mga opisyal ng Bureau of Customs sa imbestigasyon sa Senado tungkol sa mga coral reef smuggling at ang pagkakasibak ni Arrizabal sa kabila ng pagtanggi nito sa P2 milyon na suhol. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply