Opisyal ng LTO sa Isabela binoga, patay

TODAS ang isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) makaraang pagbabarilin sa harap ng kanyang tanggapan sa probinsya ng Isabela, iniulat ngayon, Miyerkules.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Sadiri Domingo, 54, ng bayan ng Ramon. Si Domingo ang hepe ng mga traffic enforcer ng LTO-Santiago City.

Batay sa report, dalawang lalaki ang sakay ng isang motorsiklo ang dumaan sa harap ni Domingo habang nakatayo ang biktima sa harap ng opisina nito sa Barangay Sinsayon.

Sa puntong ito, walang awang pinagbabaril ang biktima ng nakaangkas na lalaki.

Dead-on the-spot si Domingo dahil sa tinamong tatlong tama ng bala mula sa kalibre .45 pistol sa pisngi, noo at leeg.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaslang.

Hinihinala ng mga imbestigador na may kaugnayan sa trabaho ang pagkakapatay sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply