Opisyal ng NPA nasakote

ISANG opisyal ng New People’s Army (NPA) ang nasakote ng mga awtoridad sa pinaigting na operasyon laban sa mga rebelde sa Bacolod City kanina, Hunyo 18.

Kinilala itong si Marilyn Badayos Condes, secretary ng Southeast front ng Komiteng Rehiyon Sentral Visayas.

Ayon kay Army chief, Lt. Gen. Arturo Ortiz, dakong alas-9:00 ng umaga nang madakip si Condes sa Omars Pension house sa Narra st., Bacolod City.

Dinakip ito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ananson  Jayme ng Branch 63 sa kasong rebelyon.

Sangkot umano ito sa pananambang sa mga sundalo na ikinamatay ni Capt. Wilson Montenegro noong Mayo 3. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply