Opisyal ng SWD, 4 pa may banta sa buhay

NANGANGAMBA ang isang opisyal ng City Social Welfare and Development ng Vigan City kasama ang tatlo pang daycare worker at kapitan ng barangay dahil sa mga pananakot at pagbabanta na kanilang natatanggap sa mga text messages.

Ipinarating ni SWD Officer Cely Agcamaran sa awtoridad sa Vigan City Police Station ang kaniyang pag-aalala at takot kabilang na rin ng tatlo niyang kasama sa hanapbuhay at isang  barangay chairman sa nasabing syudad upang ito ay maimbestigahan.

Ang nasabing mga pananakot sa mga opisyal ay may kinalaman umano sa kanilang deployment para sa kanilang pagtuturo sa mga barangay daycare workers ng siyudad.

Nagsimula umano ang nasabing mga panankot sa mga text messages nang may magreklamo na sobrang layo umano ang kanilang pinapasukan kung saan hiniling nila na sa kani-kanilang mga barangay na lamang magturo gayung napakamahal din umano ang kanilang pamasahe patungo sa kanilang trabaho.

Hindi na pinangalanan ang tatlo pang SWD at ang barangay chairman dahil na rin sa takot.

Iniimbestgahan naman ng pulisya kung may kinalaman ito sa politika. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply