Mga tiwaling opisyal ni GMA ‘ikulong’

IGINIIT ng isang senador na dapat sampulan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nakaraang administrasyon ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa pamamagitan ng pagpapakulong ng mga opisyal nito na sangkot sa malawakang katiwalian at anomalya.

Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, dapat magkaroon ng “closure” ang mga “panggagahasa” sa kaban ng bayan ng administrasyong Arroyo sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga opisyal ng mga ito ng kanilang mga krimeng ginawa.

“Holding people accountable is an effective deterrent against future abuses to power. It is the only way we learn. When a person is removed from office, charged and incarcerated, we send a message that crime does not pay. If not, they will just resort to better timing or hiding,” pagdidiin ng senador.

Ipinaliwanag  pa ng senador na hindi lang dapat “malalaking isda” ang hulihin ng gobyerno sa mga kasong graft and corruption kundi pati na ang “maliliit na isda” dahil sila ang nauutusang gumawa ng paperworks upang mapaglaruan ang pondo ng gobyerno.

“If we look at the scams that happened during the Arroyo administration – fertilizer scam, ZTE, swine scam, etc. – no one is held accountable so far. And worse, we are only focusing on the mastermind,” katuwiran ni Cayetano.

Binanggit din ni Cayetano ang isyu ng “Hello Garci” scandal na kahit hindi magagamit na ebidensiya ang tape ng usapan ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa dating Pangulo at ngayon ay kinatawan ng Pampanga, maaari naman itong gamiting giya ng imbestigasyon.

“How important is it to Malacanang to go after the evils or the sins of the past administration? If the Garci boys are still present and even promoted here in Comelec, who’s to say that the fertilizer boys and the swine scam boys are not roaming, at large, at the Department of Agriculture or in the other agencies? Or the ZTE boys still lurking at NEDA and DOTC?” tanong ng senador. Ernie Reyes

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply