Oposisyon, mali ni PNoy ang laging binabantayan

NAKAKATAWA ang oposisyon sa pamumuno ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa paggamit nila ng bagsak na performance rating ni Pang. Noynoy Aquino sa SWS at Pulse Asia kahit walang basehan ito.

Kung sa bagay wala talaga kasi silang maibanat kay PNoy na anomang katiwalian kaya kung ano-ano na lang ang kanilang ibinabato sa kanya. Sa totoo lang, ang mayoryang Filipino ang patuloy na nagtitiwala at kumikilala sa ginagawa ni PNoy laban sa pagsugpo sa katiwalian, pagsusulong ng ekonomiya at pagkakaloob ng pangunahing mga serbisyo.

Sa survey malinaw na hindi tinatanggap ng publiko ang paninira nila at aminado naman ang gobyerno na bahagyang naapektuhan ang rating ng Pangulo dahil sa pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo na problema naman ngayon ng buong mundo at walang sapat na kapasidad ang pamahalaan na pigilin ito.

China – Hindi tamang sabihin na takot ang gobyernong Aquino na harapin ang China sa isang usapan para ipakita ang posisyon ng Pilipinas sa paghahabol sa teritoryo ng pinag-aagawang Spratlys.

Walang katotohanang mahina ang polisiya ng gobyerno. Sa totoo lang, hayagang nanawagan si PNoy sa China na igalang ang internasyonal na mga batas sa pagresolba ng iringan sa South China Sea.

Cotabato – Kapuri-puri ang mabilis at agarang pagtiyak ni PNoy sa mga lokal na pamahalaan sa Region 12 at residente ng Cotabato City kaugnay sa suporta ng pamahalaan matapos ang malawak na pagbaha sa nasabing lugar.

Bukod sa pag-aalis sa nagbara na water lily sa Mindanao River Basin lalong lalo na sa Rio Grande de Mindanao at konektado sa mga ilog, tiniyak ni PNoy matapos bumisita sa lugar ang patuloy na distribusyon ng iba’t-ibang porma ng tulong sa nabiktimang mga residente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply