Orcollo, Reyes pasok sa Last 64

KUMAMADA ng magkahiwalay na panalo sina Dennis Orcollo at Efren “Bata” Reyes para makausad sa Round-of-64 ng 2011 World Pool-Billiard Association (WPA) 9-Ball Championship sa Al Sadd Sports Club sa Doha, Qatar Lunes ng gabi.

Giniba ni Orcollo si Jalal Yousef ng Venezuela, 9-3, habang nangibabaw naman si Reyes kay Konstantin Stepanov ng Russia, 9-3.

Sina Orcollo at Reyes ay kapwa nagtala ng dalawang panalo sa Group A, sapat para maka-abante sa knockout stage.

Ang iba pang naka abante sa Last 64 ay sina defending champion Francisco “Django” Bustamante, Carlo Biado, Oliver Medenilla, Jeffrey de Luna, Allan Cuartero, at Antonio Lining na nakapag tumbok din ng dalawang panalo sa $250,000 total pot prize tournament na may pabuyang $36,000 top purse.

Dinurog ni Bustamante si Alazmi Majed ng Kuwait, 9-4, sa Group D, kinaldag ni Biado si Le Gun Kae ng Korea, 9-2, sa Group D, at nagwagi si Medenilla kay Nguyen Phuong Thao ng Vietnam, 9-6, sa Group G.

Umibabaw naman si de Luna kay Riyan Setiawan ng Indonesia, 9-4, sa Group H, nanalo si Cuartero kay Marcus Chamat ng Sweden, 9-5, sa Group L, at wagi si Lining kay Tohru Kouribayashi ng Japan, 9-4, sa Group P.

Nalagay naman sa losers’ brackets si Ronato Alcano na natalo kay Radoslaw Babica ng Pland, 9-8, sa Group M at Israel Rota na yumuko naman kay Chang Yu Lun ng Chinese-Taipei, 9-3, sa Group K.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply