Order ng GMA-7 ‘wag tangkilikin ang Smart Telecom

SA LAHAT ng network specially ang ABS CBN at GMA 7, tila itong Kapuso ang masyadong apektado diumano sa sulutan blues na nangyayari sa ngayon.

Hindi nagugustuhan ng Siyete ang ang unti-unting pagkaubos ng kanilang talent, (ang biro nga ng ilan, endangered species na raw ang kanilang mga talent dahil sa iilan na lang ang mga ito kaya kung minsan ay nakauumay na silang panoorin dahil sila-sila lang ang lumalabas at napanonood. Hahahaha!) dahil sa pagsungkit na ginagawa ng TV5. Hehehehe!

Ang iba namang talento nila ay lumipat sa Dos. Hindi na natin kailangan pang isa-isa-isahin sila dahil nakikita n’yo naman sa boobtube kung sinu-sino ang mga paru-parong ito.
Hikhikhik!

Pero ewan natin kung bakit mas mainit daw ang dugo ng Seven sa Singko kesa sa Dos samantalang itong huli ang kanilang tunay na karibal. How come?

In fact, ang sabi-sabing narinig natin, ipinagbawal daw sa bakuran ng GMA ang paggamit ng Smart. At kung sino man sa kanilang mga empleyado ang gumamit ng simcard ng Smart, may katapat daw na kaparusahan ito? Ano kaya ‘yun, sim blocking? Aray! Hahaha!

Kidding aside, wala nga kaming napanood na commercial ng Smart sa Kapuso. Kung meron man, nagkataon lang sigurong di kami nakatutok.

Pero ‘yung pagbawalang gumamit ang kanilang mga empleyado sa paggamit ng kung anong gusto nilang linya ng komunikasyon, mukhang may paglabag dito pagdating sa karapatang pangtao. Di ba?

Ano sa tingin n’yo, CHR?

Well, bahala na ang GMA sa kanilang diskarte. Kapag nasa bakuran ka naman nila, sila ang gobyerno d’yan.

Naalala tuloy namin bigla nu’ng minsang pumasok kami sa ABS, hinarang kami ng gwardya dahil may steaker daw ng DWIZ ang dala naming sasakyan. Hah?

Ano naman koneksiyon ng steaker e, may hinatid lang kaming tao sa loob?

Utak ampaw ang jaguar, di ba, mga kapatid?

Hindi naman ganon kababaw ang pag-iisip ng mga Lopezes sa ganitong bagay. Bakit sila mai-insecure sa iba gayong napakalaki nilang network at ang DZMM ay matatag naman sa kanilang pwesto.

Pero mas matindi raw dito sa GMA, may sticker ka o wala kapag pumasok ka sa kanila, magrosaryo ka muna bago ka nila papasukin (True! I should know. Mga ilusyunado ang mga sekyu riyan! – Ed).

***

ABURIDO raw parati ang isang rock singer na nakilala rin sa international scene dahil naging replacement siya ng namayapang lead singer ng American group band. Minsan daw sa sobrang pagkainis nito, bigla na lang ito nagmumura.

Hindi na nga raw talaga nito mapigilan ang pagtaas ng kanyang BP lately dahil sa unti-unti niyang pagkalaos, at kasabay ng pagkawala ng kanyang ningning ay ang pagbagsak naman ng negosyo nitong bar na matatagpuan sa Quezon City.

Naku, kapag ganito na ang nangyayari sa buhay niya, kailangan siguro niya ulit ang isa pang journey baka sa dako pa roon ay matagpuan niya ulit ang suwerte’t kasikatang nawala sa kanya.

***

MAHILIG daw magtampisaw sa kaligayahan si John Lloyd Cruz sa ibang bansa. Nu’ng una si Ruffa Gutierrez ang binitbit nito sa labas ng bansa para magpalamig-lamig. Ngayon heto’t kauuwi lang nila ni Shaina Magdayao mula sa pagbabakasyon sa Europe.

Aba’y kay sarap namang magparamdam ng pagmamahal si John Lloyd sa mga babaing kanyang minamahal.

Sana ‘yang tikiman blues na ‘yan nila ni Shaina ay dumiretso sa altar dahil kung di sila ang magkakatuluyan, lugi d’yan ang sis ni Vina Morales. Imagine, isang dalagang mahinhin kung tingnan, heto’t sumama sa BF niyang magliwaliw sa malayong lugar without any assurance na ito na nga ang lalaking kanyang pakakasalan someday?

Grabe na talaga ang panahon. Masyado ng liberated ang mga utaw specially ang mga girlitas.

Ayaw ni Maria Clara nang ganyan!

***

MASYADO ng babad sa kabundukan ang mga eksena sa “Guns and Roses.” Nakaaantok nang panoorin gabi-gabi. Kumbaga, nakauumay na rin. Dapat siguro tapusin na ang eksena sa kabundukan at mag-iba naman sila ng setting.

In fact, may mga reaksiyon kaming naririnig na tila matamlay ang mga eksena sa nasabing soap dahil sa pilit na romansa nina Robin at Bea sa kanilang mga eksena.

Hindi maramdaman ng mga manonood ang kilig sa kanilang dalawa.

Magsipag-sipag naman daw na mag-isip ang mga writers ng Guns and Roses. Sayang ang mga bida ninyo, magagaling pa naman.

Parang “Mamaya Na,” ang tele-pantasya ni Marian Rivera, nu’ng minsang mapanood namin ito, aba’y sa mga costume lang nila kami nagandahan at maliban doon, wala na. As in, waley!

***

Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cell phone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add. sa kuya_abepaul@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply