Outbreak ng sakit sa baha ibinabala

IBINABALA ni Sen. Loren Lagarda na posibleng magkaroon ng outbreak ng iba’t ibang sakit tulad ng dengue, diarrhea at leptospirosis sa mga evacuation center kung hindi tututukan ng Department of Health (DOH) at local government units (LGUs) ang kalusugan ng mga mamamayan.

Ayon kay Legarda, dapat mahigpit na i-monitor ng DOH at LGUs ang posibleng pagsiklab ng water-borne disease na  magpapalubha sa kalunos-lunos nang kalagayan ng mga nabiktima ng kalamidad na tumitigil sa evacuation center.

“Communities that have been affected by weather disturbances such as Typhoons Egay and Falcon are most likely to be exposed to health threats in evacuation centers. Most evacuation areas are densely populated, under unsanitary conditions, and lack access to clean water and health care,” paliwanag niya.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa 38,485 na katao ang kasalukuyang naninirahan sa 126 evacuation center sa buong bansa.

Tinukoy pa ni Legarda na sa Cotabato City pa lamang ay daan-daang evacuees ang nagkaroon ng impeksiyon at sakit.

Base sa ulat ng DOH, umabot sa 189 evacuees sa Cotabato City ang may lagnat, 143 ang nagkaroon ng acute respiratory tract infection at 101 ang nagkaroon ng diarrhea.

Aniya, dapat na patuloy na maahatid ang DOH sa tulong ng barangay health workers at epektibong serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan sa apektadong komunidad at paliwanagan ang publiko sa pamamaraan upang maiwasan ang sakit.

“The conduct of a massive information campaign is crucial to make everyone aware of what they must do to avoid acquiring these diseases. The LGUs, on the other hand, must alert their respective communities and encourage them to practice good personal hygiene and maintain clean surroundings to prevent the spread of diseases,” giit ni Legarda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply