P.3-M pabuya sa suspek sa San Pablo City killing

NAGLAAN ang pamunuan ng lungsod ng San Pablo sa Laguna ng P300,000 na pabuya sa makapagtuturo sa suspek sa pagpatay kina Leticia Lupian at Vilma Bandilao.

Ayon kay San Pablo City Mayor Vicente Amante, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya ay madaling matutunton at mahuhuli ang suspek na si Bayani Corpuz.

Patuloy umano ang ginawang paghahanting kay Corpuz ng Laguna Provincial PNP, ayon kay Laguna Provincial Director Senior Supt. Gilbert Cruz.

May nakakita umano sa suspek na minamaneho nito ang Toyota Lucida van na pag-aari ng mga biktima.

Matatandaang pinatay sina Lupian at Bandilao at inilagay ang mga ito sa freezer.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply