P.5-M alahas tinangay ng akyat bahay

TINATAYANG aabot sa P500,000 ang halaga ng mga mamahaling alahas at salapi ang tinangay ng hinihinalang mga miyembro ng akyat bahay gang matapos na pasukin ang tahanan ng isang negosyante habang nasa kasagsagan ng pagbayo ng bagyong Falcon kamakalawa ng gabi sa Cainta Rizal.

Sa ulat na pinarating ng Cainta Police Station kay Rizal Provincial PNP Director, Sr, Supt. Manuel Cesar Prieto nakilala ang biktima na si Dictador Santos y Villalobos, nasa hustong edad, negosyante at residente ng B-5 Lot-7 Gumamela st., Phase IV Greenland Subd. ng nasabing bayan.

Sa isinagawang imbestigasyon lumalabas na dakong 10:00 ng umaga ng madiskubre ng biktima ang pagkawala ng kanyang mga mamahaling alahas matapos na pumasok sa kuwarto at nakitang nakasabog na ang mga gamit sa loob.

Dahil sa pangyayari ay agad nitong tinungo ang lagayan ng mga alahas at hindi nagkamali nga nagkamali ng hinala ang biktima na nawawala ang sari-saring alahas na kinabibilangan ng pitong pares ng assorted jewelries bukod pa rito ang dalawang gold ring at salapi na hindi nabatid na halaga.

Lumalabas na posibleng pinasok ng miyembro ng akyat bahay ang tahanan ng biktima noong kasagsagan ng buhos ng ulan dulot ng bagyong Falcon at di namalayan na napasok na ang kuwarto kung saan nakalagay ang jewelry box na pinaglalagyan ng mga alahas.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang Cainta Criminal Investigation Division (CID) para matukoy kung anong grupo ang responsable sa pagkatangay ng mga mamahaling alahas ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply