P-Noy naghanda na rin ng kandidato sa ARMM

BAGAMA’T labis ang pagtututol ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na matuloy ang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay naghanda na rin ang Palasyo para sa kanilang kandidato sakaling matuloy ang eleksyon doon sa Agosto 8.

Naunang sinabi ng Palasyo na susuportahan nila ang kandidatura ng tiyahin ng Pangulo na si Tingting Cojuangco na kandidatong bise gobernador sa ARMM elections.

Pero iginiit ng Pangulo na hindi na magpapare-elect sa 2013 ang kanilang mga susuportahang kandidato sakaling manalo ang mga ito.

Sinabi ng Pangulo na lahat ng pamamaraan ay kanilang pinaghahandaan anumang ang kapalaran ng panukalang batas sa pagpapaliban ng halalan sa ARMM.

Ayon sa Pangulo, prayoridad pa rin nila na i-postpone ang halalan at isabay ito sa 2013 mid-term elections.

Nagbabala rin ang Pangulo na magiging abala lamang ang mga mananalong kandidato sa pagpapalakas ng kanilang kapit para manatili sa posisyon.

Nilinaw pa ng Pangulo na nakahanda sila a anumang mangyayari, ang kailangan lamang ay kumbinsihin ang mga mananalong kandidato na hindi na umano sila muling kakandidato sa 2013 elections. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply