PNoy tumulak sa Brunei

UMALIS dakong 8:30 a.m. patungong Brunei Darussalam si Pangulong Benigno “PNoy” S. Aquino III sakay ng isang Fokker Jet kasama ang ilang cabinet secretaries.

Kapansin-pansin na wala itong mga kasamang politiko. Kasabay ni PNoy si Communication Group Secretary Sonny Coloma, Trade Secretary Gregory L. Domingo, Finance Secretary Cesar Purisima at Foreign Secretary Albert Del Rosario.

Nakatakdang magkita sila Pangulo at Brunei Prince, Sultan Hassanal Bolkiah upang pag-usapan ang presyo ng gasolina at mga kapakanan ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa naturang bansa.

Hihikayatin din ang mga negosyante ng Brunei na mag-invest sa Pilipinas dahil sa gumagandang peace and order ng bansa.

Tatagal ng dalawang araw at isang gabi si Pres. Aquino sa Brunei at inaasahang pupulungin ang mga kababayan natin doon para magpasalamat sa kanilang ambag na tulong sa bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply