P120-M lugi sa fishkill

UMABOT na sa P120 million ang naitalang pinsala sa fishkill o pagkamatay ng mga alagang isda bunsod nang biglaang pagbago ng klima sa Batangas at Pangasinan.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 952 metric tons o katumabas ng mahigit P74 million ang halaga ng nasirang bangus na nadale ng fishkill sa Batangas.

Pero sa ulat ng BFAR CALABARZON, umabot na sa 972 metric tons o katumbas ng mahigit P76 million ang pinsala ng fishkill sa Batangas.

Habang sa mga bayan naman ng Anda at Bolinao sa Pangasinan umabot na sa mahigit P40 milyon ang pinsala ng fishkill mula sa 108 fish cages na naapektuhan ng kalamidad.

Sa ulat naman ng Bombo Radyo Vigan, nagkaroon na rin ng fishkill sa Caoayan, Ilocos Sur bagamat hindi pa mabatid ang pinsala.

Dahil dito, todo paalala ngayon ang BFAR sa mga mamimili na mag-ingat sa mga binibiling isda sa palengke dahil pilit na ipinupuslit ang mga isdang nadale ng kalamidad lalo na sa Metro Manila.

Kanina ay nasa 200 kilo ng bochang bangus ang nakumpiska sa lungsod ng Quezon habang nasa 45 kilo naman sa lungsod ng Pasay.

Dalawang tindero naman ang inaresto sa Quezon City dahil sa naaktuhan na nagbebenta ng sirang isda.

Sa Baguio City, kahapon ay nasamsam ang mahigit 5,000 kilo ng mga bangus mula sa Navotas, Malabon at Dagupan City na napag-alamang may nakahalong double-dead na mga isda.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply