P12M inayuda ng DSWD sa Cotabato

AGAD ipinalabas ng Malakanyang ang P12 milyon ayuda sa nagaganap na krisis ngayon sa Cotabato City dala ng bagyong  ‘Egay.’

Kasalukuyang nasa state of calamity ang Cotabato City bunsod ng mga pagbaha kung saan 962,591 katao na ang apektado.

Sinabi ni Communications Sec. Ricky Carandang, nakagastos na ang gobyerno ng kabuuang P12 million para sa relief operations ng DSWD.

Nabatid na sa P12 million, P7 million ay galing sa DSWD national habang P1 million sa DSWD-ARMM, P3.5 million mula sa mga LGUs at P350,000 mula sa NGOs.

Sa Miyerkules, nakatakdang bumisita ang Pangulo sa Cotabato City para personal na alamin ang kalagayan ng mga biktima na nasa 40 evacuation centers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply