P136M lugi ng fish pen operators dahil sa fish kill

TINATAYANG aabot sa P 136 milyon ang nalugi sa mga fish pen operators na tinamaan ng fish kill sa Batangas ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay BFAR Region IV-A OIC director Esmeralda Manalang, dahil sa naturang pagkalugi ay apektado ang mga manggagawa na nagmamantine ng 234 fish cages na pag-aari ng 23 operators sa lugar.

Aniya, ang paglaki ng pagkalugi ay mapipigilan kapag maaliwalas na ang panahon at ang kundisyon ng tubig ay maayos na susuportahang muli ang aquatic life.

Noong Hunyo 2, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang naganap na fish kill sa Pangasinan at Batangas provinces ay may P115.536 milyon na halaga ang mga namatay na bangus.

Nasa P74.826 milyon ang halaga ng mga namatay na mga bangus sa Batangas, kabilang ang apat na barangay na nasa lugar ng Taal Lake.

Habang ang nalugi naman sa Pangasinan ay tinatayang nasa P40,710,300. Santi Celario

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply