P15 milyon sa pamilya ng biktima ng Ampatuans

MARIING nanindigan ang pamilya ng napatay na journalist na ipagkaloob ng Ampaturan ang karampatang halagang P15 milyon para sa nawala nilang mahala sa buhay may walong buwan na ang nakararaan.

Ayon kay Juliet Evardo, 50, na tumayo sa witness stand sa isinagawang pagdinig ng usapin sa Ampatuan massacre kanina sa Metro Manila District Jail (MMDJ) courtroom, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, bahagi ng P15 milyon ang P10M moral damages at P5 para sa exemplary damages.

Nabatid na si Evardo, residente ng General Santos City ay ina ni Jolito “Jojo” Evardo, ng UNTV editor. Si Jolito ay isa sa 31 mamamahayag na walang awang pinatay sa naganap na massacre noong
November 23, 2009 sa Maguindanao.

Sa kabuuan, 58 katao ang binawian ng buhay sa tinaguriang pinaka-karumal-dumal na kaso sa kasaysayan ng political killing sa bansa.

Sa ginanap na direct examination mula sa pribadong taga-usig na si Gilbert Andres, isinalaysay ni  Evardo kay Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang hirap ng damdamin at ng kanyang pamilya nang bawian ng buhay ang kanyang anak.

Umaagos ang luhang sinabi ni Evardo na si Jolito, isang subok na matatag na mamamahayag ang kanilang inaasahan para sa kanilang ikabubuhay

“Napakasipag niya sa trabaho niya. Pinigilan namin siyang pumunta noon kaso kailangan daw siya doon bilang editor. Sabi niya may press con daw, pahayag ni Evardo.”

Magugunita na nitong nakaraang  May 26, isa sa complainant na si Cipriana Gatchalian, asawa ng  massacre victim na si Santos Gatchalian Jr., ay humingi ng kabuuang halagang P16.1 million para sa
pinsala sa kanilang pamilya.

Sampung milyon para sa moral damages at P5 milyon naman para sa exemplary damages at P1 milyon naman para nawalang kabuhayan o kinita ng biktima.

Ang asawa ni Gatchalian na si Santos ay nagtatrabaho bilang correspondent ng Davao-based daily, MetroGazette.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply