P17M inilaan sa Simuay River cut-off channel reconstruction

NAGLAAN ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P17 milyon para sa reconstruction ng Simuay River cut-off channel na nasira sa patuloy na pag-uulan at pagbaha sa Cotobato city  nitong nakaraang dalawang linggo.

Matatandaang binuksan ang Simuay River cut-off channel noong Marso bilang pansalo ng tubig baha papunta sa Illana Bay at upang mabawasan ang pag-apaw ng tubig sa maraming lugar sa Cotabato City at karatig bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kabilang sa mga panukala ng Presidential Task Force on Mindanao River Basin Rehabilitation and Development Project (PTFMRBDP) para mabawasan ang “siltation” mula sa mga ilog sa mga bundok ng North Cotabato at Maguindanao ang pagpapatayo serye ng mga dam na nagsasalubong ang Simuay at Ambal River.

Ang serye ng mga dam, ayon kay Task Force chairman Archbishop Orlando Quevedo ay magsisilbing “catch basin” ng tubig at silt materials bago pa ito papasok sa Simuay River.

Sa ngayon patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operations ng mga nakabarang water hyacinths sa Delta Bridge ng Cotabato City ng DPWH kasama ang mga sundalo, mga residente, at iba pang volunteer.

Paparating na rin umano ang mga modular barge mula sa Cagayan de Oro City upang tumulong sa pag-alis ng mga water hyacinths sa lugar dahil sa pangambang mas lalala pa ang pagbaha sa lungsod kung maitulak ng tubig-baha pababa sa Rio Grande de Mindanao ang ekta-ektaryang water hyacinths sa Liguasan Marsh. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply