P180K kabayaran sa pananatili sa kulungan hiniling ni Webb

HINILING ngayon ng acquitted murder suspect na si Hubert Webb sa pamahalaan na bayaran ang kanyang 180 buwan na pananatili sa kulungan.

Martes ng hapon nang magtungo si Webb sa Department of Justice’s Board of Claims para umapela ng P180,000 compensation claim sa umano’y dahil sa “unlawful conviction” sa kanyang kaso mula noong June 1991 sa pagpatay kay Estrellita, Carmela, at Jennifer Vizconde.

Ayon sa abogado ni Webb, karapatan ng kanyang kliyente na maningil ng P1,000 bayad kada buwan sa mga taon na kanyang inilagi sa Bilibid.

“There’s a Board of Claims here in the DOJ, so once you are convicted and subsequently acquitted, you are entitled to compensation from the government,” ani lawyer Joaquin Miguel Hizon.

Noong Disyembre nakaraang taon nang ipawalang sala ng Supreme Court si Webb at anim iba pang akusado sa nasabing masaker.

Binaligtad ng Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals nang hindi makitaan ng sapat na ebidensiya ang grupo ni Webb na may kinalaman sa masaker.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply