P20M gagastusin sa agri-fishery projects

TARGET na naman ng Department of Agriculture na gastusan ng karagdagang P20 milyon ang Batanes upang palaguin ang agri-fishery resources ng isla.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, karagdagan lamang iyon sa nailabas na nilang P71 milyon sa pakikipagtulungan ng National Irrigation Administration (NIA).

Sinimulan na umano nila ang pagpapagawa ng sahod-ulang reservoir at irrigation dam sa Itbayat Island kaya tuluy-tuloy na ito.

Ani Alcala, hindi nakahihinayang tulungan ang masisipag na magsasaka at mangingisda sa Batanes, dahil makasisiguro ang gobyerno na magiging food sufficient na ang isla sa 2014.

Ani Aklcala, napakalayo ng Batanes sa Metro Manila kaya bihira itong mapagtuunan ng pabnsin kaya kailangang makatayo sila sa sarili nuilang mga paa.

Kailangan lamang ng mga taga-Batanes ang kaunting tulong upang mapaunlad nila ang kanilang mga sarili.

Makikinabang sa nasabing proyekyo ang 1,400 magsasaka at livestock producers, bukod pa sa mga mangingisda.

Magpapagawa ang Batanes cold storage facilities upang maimbak ang mga binhi at mga gamit pananim, kasama na ang turmeric, bawang, sibuyas, mga rootcrop tulad ng camote at gabi at mga prutas.

Magpapagawa rin ng freezer upang maimbak ang semen para sa artificial insemination services, at warehouse para sa palay at crop seeds at mga farm inputs tulad ng bio-organic fertilizer.

Ang Batanes pa rin ang itinuturing na typhoon belt ng Pilipinas, kung saan dumaraan ang lahat ng mga bagyo.

Tanging mga rootcrop lamang ang posibleng mag-survive sa nasabing lugar.

Sa hayupan naman, pinakaposibleng mapakinabangan dito ang bakahan at babuyan.

Sagana rin sa isda ang karagatan ng Batanes dahil hindi ito gaanong napupuntahan ng mga mangingisda daghil sa sobrang laki ng mga alon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply