P2M gastos para sa biyahe ni PNoy sa Brunei

AABOT sa P2 milyon lamang ang inilabas ng Malakanyang para sa two-day state visit ni Pangulong  Benigno “PNoy” Aquino III at 55-man delegation patungong Brunei Darussalam dahil na rin sa imbitasyon ni Sultan Hassanal Bolkiah.

Sinasabing ito ang pinakamaliit na gastos ng pamahalaan para sa isang presidential trip mula pa administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ayon na rin sa Finance Office ng Office of the President.

Sinabi ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr. na ang nasabing pondo ay inilaan para sa gastos para sa pagkain, supplies, at iba pang requirements para sa telecommunications.

Umalis ang Pangulong Aquino kasama ang ilan lamang sa kanyang cabinet members gaya nina  Foreign Secretary Albert Del Rosario, Finance Secretary Cesar Purisima, Trade Secretary Gregory Domingo at Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr.

“The President’s two-day state visit to Brunei seeks to reinforce our strong ties with one of our partners in the ASEAN. There are various areas of cooperation wherein the two countries can work together, and the President’s visit will formalize several agreements that our government has been working on,” ang pahayag ni Ochoa.  “The foreign visits of the President are usually short but productive and reflect the President’s commitment to make the most out of his trips abroad.”

Tatalakayin ni Pangulong Aquino sa kanyang pagbisita sa Brunei ang paglaban sa transnational crimes at pagsugpo sa  human at drug trafficking upang mas lalo pang mapagtibay ang ugnayan ng dalawang bansa na kapuwa miyembro ng  Association of Southeast Asian Nation (ASEAN). Personal din na sasaksihan ng Pangulo ang paglagda ng ilang memoranda of understanding sa turismo, agrikultura , shipping at ports, at sports development.

Hihikayatin din ng Punong Ehekutibo ang mga negosyate na maglagak ng kanilang negosyo sa bansa at tatalakayin din niya sa mga ito ang usapin ukol sa global warming, rising oil prices at Spratlys – isang grupo ng isa sa South China Sea na patuloy na pinag-aagawan ng Pilipinas, Brunei, Vietnam, Malaysia, China at Taiwan.

Inaasahan din na pasasalamatan ni Pangulong Aquino ang Brunei, na isang miyembro ng International Monitoring Team sa rehiyong Mindanao,para sa effort nito sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) at tungkulin nito bilang miyembro ng makapangyarihang Organization of Islamic Conference Peace Committee on Southern Philippines na tiyakin na ang peace deal  sa Moro National Liberation Front (MNLF) ay mananatili. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply