P3.43-B pondo sa rice self-sufficiency program inilabas ng DA

PARA tulungan ang mga magsasaka ay naglaan ang Department of Agriculture ng P3.43 bilyon para pondohan ang national rice program sa kanilang pangangailangan ayon kay Budget Secretary Florencio Abad

Ang nasabing programa ay upang maging  self-sufficient ang Pilipinas sa rice production sa 2013.

Sa kabuuang budget na P5.217 bilyon ngayong taon, mabibiyayaan ang mga magsasaka ng programa ng quality seeds, irrigation, credit at marketing assistance upang maayos ang productivity at profitability.

Aniya, inaasahan ng DA na makakapag-produce ng 17.45 milyon metric tons (MT) ng palay ngayong 2011 at adhikain na tumaas ng 10 porsiyento o 19.2 milyon MT sa  2012.

Sinabi ni Abad na base sa napag-usapan hinggil sa 2012 national budget, layunin ng DA ang 91.9 percent rice self-sufficiency mula 84.4 percent sa taong kasalukuyan.

Giit ng Kalihim, ang proposal ng DA na dagdagan ang budget ng 2012 ay para marating ang nasabing  target.

Kailangan ng DA na palakasin ang kapabilidad at muling tumutok sa investment tungo sa pagiging Philippine Food Staple Self-Sufficiency Roadmap at maabot ang 100-percent rice self-sufficiency.

Na-disbursed na ng Department of Budget and Management ang kalahati ng P1.645-trillion budget sa 2011 sa unang quarter kung saan ginawa ito sa pamamagitan ng “front loading” ng ipinalabas na pondo para makatulong sa ekonomiya sa taong ito

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply