P356-M jackpot prize sa Grand Lotto nasapol na

TIYAK na na magbabago na ang buhay ng kaisa-isang masuwerteng lotto bettor na nakakuha ng six digit number combinations ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa isinagawang lotto draw ng PCSO, ang lucky number combinations ay binubuo ng 09-05-26-30-19-45.

Ang premyo ng solo lotto bettor ay umaabot sa P356,552,917.20.

Ito na ang pangalawang pinakamalaking papremyo na napanalunan ng isang mananaya ng lotto matapos na makuha ng isang taga-Olongapo na balikbayan ang mahigit sa P741,176,323.20.

Noong February 2009, dalawang masuwerte ang nanalo sa P347,836,903.20 para sa 6/49 Super Lotto.

Ang Grand Lotto draw ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Samantala, wala naman ang nanalo sa 6/45 Megalotto, na ang six digit number combination ay binubuo ng 01-43-03-45-13 at 15 at ang premyo ay umabot sa P7,092,685.80.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply