P356-M premyo sa lotto nasungkit na

NASUNGKIT na ang P356 milyon na premyo sa lotto at inaalam na ngayon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang iba pang detalye ukol sa pinakabagong winner.

Ayon kay PCSO head Margie Juico, tumaya sa Las Piñas City, Metro Manila ang bagong milyonaryo na mag-isang tumaya sa winning number combination na 05-09-19-26-30-45.

Nabatid na nakuha ng nagwagi sa pamamagitan lamang ng standard pick ang numero at hindi kagaya ng nagwagi dati ng P741 million noong nakaraang taon na nanalo sa pamamagitan ng machine lucky pick.

Pero ayon sa ulat, hindi lamang ang nasabing lotto winner ang mapalad na nagwagi sa isinagawang regular draw kagabi dahil may 146 din na mag-uuwi ng P150,000 para sa six digit game.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply