P40-B gagastusin sa AFP modernization

POSIBLENG gagastos ang Aquino administration ng P40 billion sa susunod na limang taon para i-upgrade ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para proteksyunan ang maritime resources at soberenya ng bansa.

Ayon kay  Budget chief Florencio Abad, simula sa susunod na taon ay hihirit ang gobyerno ng P8 billion budget para sa AFP modernization program.

Sinabi ng Kalihim na  kailangan ito para lalo pang maidepensa ang pambansang teritoryo laban sa anumang pambu-bully ng ibang bansa.

Sa isang panayam sa Laguna, sinabi ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Oban na magsusumite sila ng mga prayoridad na kakailanganin sa baseline capability.

“We’ll be coming up with a list of priority acquisition, and this has to be driven by strategy. It’s the baseline capability that the Armed Forces really needs to improve one,” ani Oban sa 150th birthday celebration ni Dr. Jose Rizal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply