P495-M proyektong pangkabuhayan sa Mindanao, ikinasa

IKINASA na ang Mindanao Rural Development Program (MRDP) ng Department of Agriculture (DA) ang pondong P260.56 milyon para tulong pangkabuhayan sa mga benepisaryo nito sa buong Mindanao.

Maliban pa ito sa P234.96 milyon na nauna nang naibaba ang MRDP para sa tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Community Fund for Agricultural Development (CFAD) component ng MRDP.

Sa ngayon, ayon kay Program Director Lealyn Ramos, umaabot na sa P495.51 million ang kanilang investment portfolio sa mahihirap na komunidad at nakapagbigay ng pangkabuhayan sa may 49,537 na indibidwal.

Pinakamarami sa mga nakinabang sa tulong ang MRDP ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na umabot sa P118 milyong halaga ng investment sa 212 na mga sub-projects.

Pumangalawa ang Caraga Region na may total investment na P113.33 million.

Sa buong Caraga may 471 na subprojects na ginastusan ang MRDP.

Samantala, sa Rehiyon 12 umabot naman sa P81.325 million ang halaga ng 405 subprojects na ipinapatupad at ipatutupad ng naturang tanggapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply