P5.2B tax credit scam pinaiimbestigahan sa Palasyo

HINAMON ni Sen. Antonio Trillanes IV ang Palasyo na paimbestigahan din ang maanomalyang paghawak ng Office of the Ombudsman sa kaso laban sa mag-asawang Faustino at Gloria Chingkoe hinggil sa P5.2 bilyong tax credit scam.

Ayon kay Trillanes, dapat papanagutin si Special Prosecutor Wendell Barreras-Sulit sa kawalan ng pagkilos ng opisyal at pagkabigong mapigilan na makatakas ng bansa ang mag-asawang Chingkoe sa kabila ng kasong plunder na nakasampa sa Sandiganbayan noong 2009.

“Lumalabas na ang Office of the Special Prosecutor ay hindi umakto para pigilan ang mag-asawang Chingkoe na pangunahing suspek sa P5.2-bilyong tax credit scam na umalis ng bansa kahit pa nasampahan na sila ng kasong plunder sa korte,” ani Trillanes.

Ayon kay Trillanes, lumalabas na inupuan ni Sulit ang mga kaso laban sa mga Chingkoe.

Hindi rin umano kumilos ang OSP upang magkaroon ng trial in absentia samantalang pinapayagan naman ito sa kasong tumakas o nagtatago na ang mga akusado.

Ipinaliwanag ni Trillanes na maaaring hilingin ni Sulit sa korte o sa Department of Foreign Affairs na kanselahin ang passport ng mga Chingkoe, o magpadala ng warning sa Interpol bilang mga fugitive from justice o  simulan ang extradition case, ngunit hindi ito ginawa ng prosecutor.

Kaugnay nito, nanawagan si Trillanes sa Korte Suprema na suriin ang pagpayag ng Sandiganbayan sa maling paghawak sa kaso ng tax credit scam.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply