P50-M ari-arian ng mga Ligot naka-freeze na

NAKA-FREEZE na ang may P50 milyon ari-arian ni Lt. Gen. (ret.) Jacinto Ligot at mga kaanak nito.

Iniulat ni Sandiganbayan Sheriff V Romulo C. Barrozo na kabilang sa mga naka-freeze ang mga titulo ng tatlong condominium units na nakarehistro sa pangalan ni Ligot at bayaw na si Edgardo Yambao.

Ito ay ang mga condo sa Burgundy Plaza sa Katipunan Road, Quezon City na nakapangalan kay Yambao, Essensa East Forbes Tower sa Taguig City na diumano’y nakapangalan kay Ginang Ligot at ang Building MC-14 sa Pamayanang Diego Silang sa Taguig na nakapangalan sa dating heneral.

Sa pakikipagtulungan ng presidente ng Armed Forces and Police Savings and Loan Association Inc. na si Sadiri R. Daliva, inihayag din ni Barrozo sa korte na ang mga accounts na nakapangalan kay Ginang Erlinda Ligot at mga anak na sina Paulo, Riza at Miguel na nagkakahalaga ng P2,910,335.95 ay naka-freeze na rin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply