P600M puslit na asukal natimbog

NATIMBOG ng Bureau of Customs Intelligence and Investigation Service sa pangunguna ni Director Filomeno Vicencio Jr. ang tinatayang pinakamalaking  bodega ng puslit na  asukal na aabot sa halagang P600 milyon sa loob ng Sterling Industrial Park sa Barangay Iba, Meycauayan Bulacan Huwebes ng umaga, Hunyo 2.

Sa matinding paniniktik ay natunton ng mga intelligence operatives ang nasabing bodega na itinuturing na isang PEZA area kung saan nagbobodega ang ibat-ibang import-export na kumpanya na dahilan kung bakit mahirap isipin na iligal ang operasyon ng nasabing estabisimyento.

Hinihinalang nagsitakas na ang mga nagbabantay sa bodega na naglalaman ng  umaabot sa 350,000 sako ng asukal na galing pa sa bansang Thailand ayon sa mga tatak ng sako nito.

 Walang inabutan ang mga operatiba sa bodega kayat pilit na lang itong pinasok at tumambad ang nakakalulang nakasalansan na mga sako ng asukal. Isang 10-wheeler truck ang nasa loob ng bodega na may tatak na William Chan Trading na hinihinalang ginamit sa paghahakot mula sa pantalan.

Dumating din si Customs Commissioner Angelito Alvarez sa lugar at binigyan ng komendasyon si Vicenciio at mga tauhan nito sa pagkakatuklas ng kontrabando. Ayon kay Alvarez ay malaki ang magiging epekto ng mga smuggled na asukal sa lokal na produkto at pagkalugi ng kaban ng bayan dahil sa ‘di pagbabayad ng buwis at duties ng mga importer nito. Hindi naman inihayag ang consignee ng mga asukal habang isinasagawa pa ang imbestigasyon kung sinu-sino ang kasbwat ng mga smugglers sa pagpupuslit ng mga asukal

Matatandaan na sa isang bodega rin sa Sterling Park nahuli ng mga Customs intelligence ang may 10 milyong halaga ng mga sibuyas na ipinuslit sa kamakailan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply