P700 chalk allowance ng teachers ipinarerelis

KINALAMPAG ng mga guro ang Department of Education (DepEd) sa hindi pa rin paglalabas sa kanilang P700 chalk allowance na nakalaan sa isang buong school year sa pagbubukas ng klase sa buong bansa.

Batay sa natanggap na reklamo ni Act Teachers Rep. Antonio Tinio mula sa mga guro, kung  hindi man buong ibinigay ay wala silang natatanggap na “chalk  allowance.”

Dahil dito, iginiit ng solon ang pagmonitor at tamang implementasyon ng chalk allowance  na isinasaad sa Special Provision No. 7 kung saan ang budget ng Department of Education sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) para sa Fiscal Year 2011 (Republic Act 10147) na nag-aatas na magbigay ng cash allowance sa mga classroom teachers para pambili ng chalk, erasers, forms  at iba pang classroom supplies at materials sa halagang P700 sa bawat guro sa bawat school year.

Ayon sa reklamo, sinabi ni Tinio na kung hindi man fully paid ay walang ibinigay sa ilang school divisions sa bansa.

Isang concerned teacher aniya mula sa Division of Antipolo ang nagpadala ng reklamo sa pamamagitan ng  ACT Teachers website na tanging P300 lamang ang ibinigay “since time immemorial.”

Ang mga guro naman aniya mula sa Division of Northern Samar ay hindi rin nakakatanggap ng chalk allowance sa loob ng maraming taon. Samantalang sa Division of Cebu City, ay sinasabing ang chalk allowances para sa mga guro ay ikinaltas na para sa kanilang kontribusyon sa Palaro ng kanilang lokalidad.

Nanawagan din ang mambabatas sa DepEd na magsagawa rin ng pagmonitor sa pagrelis ng  chalk allowances para sa kasalukuyan at maging noong nakalipas na school year base  sa mga nabanggit na reklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply