P71-M dam, irigasyon itatayo sa Batanes

AABUTIN sa P71 milyon ang pagpapatayo ng gobyerno ng dam at irigasyon para sa taniman ng mga magsasaka sa Batanes.

Ang nasabing proyekto ay bahagi ng plano ng pamahalaan ng maging self-sufficient ang Pilipinas sa bigas sa 2014.

Ang reservoir at irrigation dam ay nakatakdang itayo sa Itbayat Batanes ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng National Irrigation Administration (NIA).

Tiniyak ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala sa mga magsasaka ng Batanes at mga lokal na opisyal ang nasabing proyekto bilang sagot sa isang dekadang kahilingan ng mga tagaroon na at ang layuning makamit ang rice sufficiency ng bansa. Inaasahang matatapos sa ang proyektong Itbayat Integrated Agriculture Development Project (IIADP) sa 2013 na pangungunahan ng  DA-NIA.

Dahil sa proyekto, madaragdagan ng sampung (10) ulit ang kasalukuyang kakulangan sa ulan ng mahigit 33 ektarya ng sakahan sa 300 ektaryang lupain at maaari pang makapagtanim ang mga magsasaka ng dalawa pang crops ng palay bawat taon.

Ang orihinal na alokasyon sa proyekto ay P11 milyon, pero matapos na personal na bumisita ang kalihim sa lugar ay pinadagdagan pa niya ito ng hanggang P71 milyon dahil malaki ang maitutulong ng proyekto upang mas mapalawak pa at mapagsilbihan ang mahigit 300 ektaryang taniman sa lugar

Ayon kay Alcala, sa mga nagdaang taon ang Itbayat sa Batanes ang pinaka-main producer ng bigas na may 33 ektaryang taniman ng palay na nagpoprodyus ng may 20  hanggang 40 kaban (1 to 2 tons) bawat ektarya at hindi sapat para 16,000 katao populasyon sa lugar.

Kung kaya sa konstruksiyon ng mas malaking reservoir na may dam na may sukat na 18 to 20 metro ang taas, kayang sakupin ng irigasyon ang mahigit 300 ektaryang taniman at pwede nang magtanim ng dalawang beses bawat taon.

Kayang kargahan ng hanggang 230,000 cubic meters ng tubig ang gagawing reservoir.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply