P73-M agricultural products pininsala ni Egay sa Maguindanao

TINATAYANG lumobo na sa P73 milyon ang iniwanang pinsala ng bagyong “Egay” sa mga agricultural products sa Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao provincial agriculturist, Daud Lagasi,  umabot sa 12,800 ektarya ng pananim ang hindi na mapakikinabangan dahil lumubog ito sa tubig baha.

Bukod dito,  mahigit 9,000 magsasaka rin ang apektado sa nasabing pagbaha nasira ang mga pananim tulad ng palay, mais, tabako at gulay.

Maliban pa rito aniya, mula sa 19 ay umakyat pa sa 21 barangay sa buong lalawigan ang lubog sa tubig baha dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Ayon pa rito, nagpadala na sila ng report sa Regional Governor ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), Department of Agriculture (DA) at kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III hinggil sa plano at rekomendasyon para sa muling pagbangon ng lalawigan mula sa kalamidad.

Samantala, tiniyak naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nakahanda ang kanilang tanggapan sa 15 bagyong posibleng pumasok pa sa bansa ngayon taon.

Ayon kay NDRRMC Exec. Dir. Benito Ramos, nakaantabay na ang kanilang mga Disaster Reponse Team, katuwang ang local government units (LGU), maging ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Health (DOH) upang magbigay ng ayuda.

Kaugnay rito, inihayag ni DSWD Secretary Dinky Soliman na mayroon ng pondo ang mga lokal na ahensya para sa mga relief goods at non-food items upang ibigay sa mga sinalanta ng bagyo, gayundin sa mga residente sa Cotabato at Maguindanao na nakakaranas ng matinding pagbaha.

Nagbabala naman si Ramos sa mga residente sa bahagi ng Borongan Eastern Samar na maging alerto dahil posibleng ito ang tumbukin ng bagyong Falcon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply