P9.4M sa rehabilitasyon ng NAIA Terminal 1

HINDI magtatagal at maitutuloy na ang renobasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 upang lalong makatiyak sa structural durability nito.

Noong nakaraang buwan ay bumagsak ang ilang tipak ng plaster ceiling
sa loading area na ikinasugat ng dalawang loader ng Delta Air.

Ito ang naging dahilan upang magsagawa ng surprise inspection si Pangulong Benigno Aquino III sa lugar.

Nagsagawa rin ang structural engineers ng Department of Public Works & Highways (DPWH)  at inirekomenda ang agarang pag-aayos sa 28-taong gulang na terminal dahil marami ng bitak ang nakita sa mga sementong dinding, ceiling at haligi.

Bukod dito,  inilabas sa isang website na ang NAIA Terminal 1 ay pang-lima sa “worst airports in the world, behind two in France, including Charles De Gaulle in Paris, and the Los Angeles and Moscow airports.”

Ang P-Square, isang engineering at consulting firm ang napiling magsagawa ng pag-aaral upang masimulan ang renovation na ayon sa MIAA ay nagkakahalaga ng P9.4 million.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply