P9-M equipment, pinasabog ng NPA

SIYAM na milyong pisong halaga ng equipment ang sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pagsalakay sa isang construction company sa Malaybalay City, Bukidnon.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong 12:45 a.m. kahapon naganap ang insidente sa compound ng SL Construction Company sa Purok 3, Barangay Dalwangan sa naturang lungsod.

Nabatid na 10 rebelde ang pumasok sa compound ng kumpanya habang 20 pa ang nagsilbing bantay sa labas.

Inatasan ng mga rebelde ang 21 manggagawa sa compound na lumabas saka sila nagtanim ng mga bomba sa crane at mini dump truck.

Makalipas ang ilang minuto, pinasabog ito ng mga rebelde sa pamamagitan ng command wire, subalit tanging ang bomba sa crane ang sumambulat.

Tumakas ang mga rebelde lulan ng Elf vehicle na may plakang WSE 561.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply