Paanakan itatayo sa health center ng Cuenca

LALAGYAN birth center facility ang Rural Health Unit (RHU) sa bayan ng Cuenca, Batangas sa ilalim ng bagong programa ng Department of Health (DOH) na tinawag na Basic Emergency on Maternal Obstetrics Neonatal Care.

Layunin nito na magkaroon ng isang ligtas na pasilidad na may mga lisensyadong birth attendants na aasiste sa mga manganganak na ginang.

Kaugnay nito, isinailalim sa 11 araw na pagsasanay ang may tatlong kawani ng RHU sa Fabella Hospital at pinag-aralan ang pinakabagong pamamaraan at proseso ng pagpapaanak.

Base sa tala ng Cuenca RHU noong nakaraang taon ay apat na sanggol ang namamatay pagkapanganak at isang ina naman ang nagbuwis ng buhay.

Ayon kay Dra. Carolina Cuevas, pangunahing layunin ng programang ito na mapababa ang child at maternal mortality at mahikayat ang mga buntis na magpatingin sa doktor at magsilang sa ospital o klinika para sa ligtas na panganganak.

Samantala, pinag-aaralan na ng Sangguniang Bayan ang nasabing programa upang mapaglaanan ng pondo at maisakatuparan sa lalong medaling panahon. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply