Solon kay PNoy: ‘Paawa effect’ tigilan na

“TIGILAN na ang pa-awa effect.”

Ito ang payo ni Kabataan Rep. Raymond Palatino kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ukol sa darating na State Of The Nation Address (SONA) ng huli.

Giit ni Palatino, kailangang rebisahing mabuti ng Pangulo ang kanyang mga sasabihin sa SONA at tiyaking magpapakita ng resulta na hinahanap ng taumbayan.

Binigyang-diin ni Palatino na hindi na ngayon uubra pa sa talumpati ng Pangulo ang “walang wang-wang,” “kayo ang boss ko” at ang “daang matuwid,” dahil bumenta na aniya ito.

Samantala, sinabi naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto na tama lang aniya na hindi magpaapekto ang Pangulong Aquino sa bumagsak na rating nito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.

Ayon kay Sotto, dapat ay ipagpatuloy lamang ng Pangulo ang sa tingin niya’y tama at makabubuti sa bansa.

Dagdag din nito na dapat maging mabilis ang pagdedesisyon ng Pangulo sa mga malalaking isyu upang hindi tumagal ang isyu.

Bukod dito, naniniwala rin si Sotto na tapos na ang panahon upang maging concerned ang Pangulo sa kanyang rating.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply