Pacquiao knockout kay Donaire

MISTULANG na-knockout ni WBO bantamweight champ Nonito Donaire, Jr. si Manny Pacquiao nang maungusan niya ito sa pinakahuling boxing power rankings.

Si Donaire ay nalagay sa number 2 dahil sa sunod-sunod niyang pagpapabagsak sa mga kalaban niya nitong mga nakaraang taon.

Ang tinaguriang Filipino Flash ay magaang kung tingnan ngunit marami ang nagulat dahil sa kabila ng pagiging patpatin niya ay napakabigat ng kanyang kamao.

Ang nakalagay naman bilang number one sa ranking ay si world heavyweight champ Vitali Klitschko.

Naniniwala ang maraming fans na kung mabibigyan lamang ng pagkakataon si Donaire ay lalo pang lalakas ito at aangat sa buong mundo.

Problema lamang  ngayon ng batang Donaire ang awayan ng Golden Boy at Top Tank na nagiging balakid ng kanyang mga planong laban.

Si Pacquiao naman na hinahangaan dahil sa pagiging world’s top pound-for-pound boxer ay hindi masyadong umangat sa ranking.

Napapansin kasi ng mga fans lalo na ng mga sports analyst na wala nang napapabagsak si Pacman sapul nang magawa niya ito kay Miguel Cotto noong 2009.

Nakagawa man siya ng matinding pinsala kay Antonio Margarito ay hindi niya naman ito napatumba sa ibabaw ng ring.

Ngayong darating na Nobyembre naman ay may pagkakataon ang Pambansang Kamao na mapatunayan muli ang bagsik niya sa oras na mapabagsak niya si Juan Manuel Marquez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply