Pacquiao-Mayweather tuloy sa May 2012?

BAGAMA’T may nakabinbin pang kaso sa korte sa Estados Unidos, hindi pa rin umano malabong matuloy ang $100-million fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Ipinalagay ng mga eksperto na posibleng matuloy ang bakbakan ng dalawa sa May 5 sa susunod na taon.

Ilan sa mga pinagpipilian na umanong venue ang Las Vegas, Nevada at Texas.

Ayon sa mga fans, ito na ang pinakamagandang laban na inaabangan nila sa kasaysayan ng boksing.

Subalit sa Mayo din naman sa susunod na taon inaasahang matatapos ang banatan ng dalawa sa hukuman na siyang ipinalalagay na pinakamahabang fight sa boxing history.

Inasunto ni Pacman si Mayweather dahil sa pag-akusa nito sa kanya ng gumagamit umano siya ng steroids.

Ilang beses nang binalewala ni Floyd ang kautusan ng korte na lumutang at magpaliwanag sa hurado hinggil sa libel case na inihain ni Pacquiao matapo  lantarang akusahan ang Sarangani congressman na tumitira ng performance enhancing drugs.

Nahaharap din si Mayweather sa santambak na hiwalay na mga kaso tulad ng domestic abuse, assault, battery, theft at harassment charges na tinangka rin nitong ma-delay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply