Pacquiao payag na sa random test

IKINOKONSIDERA na ni pound-for-pound king Manny Pacquiao ang pagpayag sa random blood testing hanggang sa mismong araw ng laban sa oras na matuloy ang negosasyon para makaharap si Floyd Mayweather, Jr.

Ayon sa mga source, napipikon na ang kampo ni Manny at maging ang pamilya ng Pambansang Kamao sa mga paratang na gumagamit siya sa steroids kaya nais na nitong pagbigyan si Mayweather.

Sa ganitong paraan umano, ayon sa mga source, ay matatahimik na ang bunganga ng itim na boksingero at wala na itong dahilan pa para umatras pa kay Pacman.

“Why do I think he should agree? Well it’s not because I think the man is doing steroids, because I don’t. I think Manny is clean, and he earned his victories fair and square. So why should Manny have to take the blood test?” ayon sa isang sports analyst.

“Taking the random blood test up until the day of the fight will do a few things. Firstly, it forces Floyd’s hand. If Manny agrees to take random blood tests up until the day of the fight, Floyd will be forced into a corner. Floyd will either have to agree to fight Manny, or he will choose to not fight. If  Pacquiao agrees to the random blood testing up until the day of the fight, Floyd has no more cards to play.”

Hindi pa isinasapubliko ng kampo ang ganitong pagpayag ngunit hindi umano malayong pagbigyan na lang nito si Floyd dahil sa sobrang ingay nito.

Ang mas maganda umanong gawin ni Pacman ay gawin ang hinihingi ni Mayweather, sumampa ng ring, at pagtulugin ito.

“By agreeing to the terms, Manny takes that card off of the table and away from Floyd Mayweather. If Manny went all in and agreed to everything, even Floyd’s fans would have to jump ship if he still didn’t agree to fight,” pahayag pa nito.

Si Mayweather ay nakatakdang humarap kay Victor Ortiz na isang kaliwete sa darating na Setyembre na sinasabing tune-fight sa inaabangang Pacquiao-Mayweather bout.

“Agreeing to the random blood test up until the day of the fight is the best thing that Manny could do right now. He would finally get Mayweather into the ring and have his opportunity to silence Floyd and his fans,” dagdag pa ng isang spors analyst sa isang website.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply