PAF: Ukay-ukay at sementeryo

MATAGAL nang nakalibing ang Philippine Air Force.

Kung may napalilipad man itong mga eroplano, mga lumilipad na kabaong naman sa kalumaan.

Ayon mismo sa PAF, taong 2006 pa iginarahe ang mga fighter jet nito.

Kulang na lang na ipasubasta ang mga ito sa mga junkshop at magbabakal para kumita naman ang pamahalaan.

Kung hindi naman, eh, ilagay na lang sa mga museum para malaman ng mga Kinder sa K+12  ni Bro. Armin Luistro na kahit papaano, once upon a time, eh, may fighter jets tayo.

Ang mga lumilipad na eroplano ay training jets na maliliit at galing sa ukay-ukay. Nasa 40 anyos naman ang mga helikopter dahil galing pa sa Vietnam war ang mga ito.

Sa konting sama ng panahon, bumabagsak ang mga ito na ikinamamatay ng ating mga sundalo sa kalawakan.

oOo

Kung susuriin, Suki, ang kalagayan ng ating Air Force, hindi sana magkakaganito kung hindi binababoy ng mga taga-Malakanyang at militar mismo ang pondo para rito.

Aba, bilyones na piso ang nawawala sa militar dahil sa mga pasalubong at pabaon sa mga heneral, sa mga bosing dito, lalo na ang mga chief of staff.
Minsan namang nagkaroon ng P8 bilyong pondo para sa modernisasyon ng buong militar pero naglahong parang bula ito.

Nanggaling ang pondo sa bilyon-bilyong pinagbentahan ng parte ng Fort Bonifacio.
Naghihirap tuloy ngayon ang bansa dahil sa korapsyon na ito.

Wala man lang tayong panlaban sa mga gustong sumalakay sa atin na mga dayuhan at pag-aagawin ang ating mga teritoryo.

Hindi rin mabilis ang ating pag-rescue sa mga biktima ng kalamidad sa bansa at dalhin ang mga ito sa ligtas na lugar.

Inutil din tayo sa pagliligtas sa mga overseas Filipino worker na nanganganib sa ibang mga bansa.

O PNoy, ano ang magagawa mo rito, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply